May mahabang pasilyo
Bukas palad na tatanggap sayo
Punong puno ito ng mga kwento
Mga ala-alang tagos sa puso
Nag simula lahat sa unang pagtungtong ko sa paaralan
Nakakatakot, Nakahiya ako’y kinakabahan
Sa unang hakbang aking napagmasdan
Iba’t ibang mukhang, hindi ko na matandaan
Tila isang istrangherong naliligaw
Naghahanap,Nagtatanong at tumatanaw
Hinahanap ang lugar na sa aki’y nakalaan
Kung saan magsisimula ang aking pakikipag sapalaran
Nang aking na tagpuan ako’y natigilan
Nagdadalawang isip ako’y nagulumihanan
Handa na nga ba ako sa bago at magulong mundo?
Maraming tanong sa isip ay gumugulo
Sa huli, ako’y humakbang
Isa, dalawa,tatlo hanggang makarating sa upuan
Ako’y lumigon sa kaliwa’t kanan
Nagmamasid at Nag-aabang
Makalipas ang isang linggo nakasabay na sa takbo
Nakilala mabuti ang mga ka klase ko
May Mabait, matara’y at antipatiko
At Pag pinagsama-sama mo rayot sa gulo
Kaibigan? Marami ako niyan
Pero ang TOTOO ay iilan
Sa panahon ngayon marami ng di na mapapagkatiwalaan
Kaya sa patitiwala ako’y pihikan
Isang araw nakita ko siya
Parang slow mo, akoy natulala
Mabait, moreno at palatawa
Kaya sa kanya ako’y humanga
Sabi nila Puppy love ang aking naranasan
Isang pag hanggang hindi pangmatagalan
Ngunit bakit hanggang ngayon ay nararamdaman
Hindi nakalimot ilang taon man ang dumaan
Buhay estudyante ay di madali
Maraming pasikot sikot at pagbabakasakali
Maraming hirap ang kailangan pagdaanan
Upang makamtan ang inaasam na kaginhawahan
Ngayong mag tatapos na sa Senior High
Kaming mga estudyante ay High na high
Sa dami ng gawain di na
magkaintindihan
Kapit bisig walang maiiwan
Mag tatapos kami na sabay sabay
Tulong tulong walang maiiwan
Bawat isa’y magsisilbing gabay
Upang makamit ang aming inaasam
Saan man kami dalhin ng kapalaran
Hindi makakalimot sa pinagmulan
Aalalahanin ang lugar na humubog sa kaalaman
Ito aming pangalwang tahanan ,ang aming mahal na “PAARALAN”
