Paaralan

May mahabang pasilyo
Bukas palad na tatanggap sayo
Punong puno ito ng mga kwento
Mga ala-alang tagos sa puso

Nag simula lahat sa unang pagtungtong ko sa paaralan
Nakakatakot, Nakahiya ako’y kinakabahan
Sa unang hakbang aking napagmasdan
Iba’t ibang mukhang, hindi ko na matandaan

Tila isang istrangherong naliligaw
Naghahanap,Nagtatanong at tumatanaw
Hinahanap ang lugar na sa aki’y nakalaan
Kung saan magsisimula ang aking pakikipag sapalaran

Nang aking na tagpuan ako’y natigilan
Nagdadalawang isip ako’y nagulumihanan
Handa na nga ba ako sa bago at magulong mundo?
Maraming tanong sa isip ay gumugulo

Sa huli, ako’y humakbang
Isa, dalawa,tatlo hanggang makarating sa upuan
Ako’y lumigon sa kaliwa’t kanan
Nagmamasid at Nag-aabang

Makalipas ang isang linggo nakasabay na sa takbo
Nakilala mabuti ang mga ka klase ko
May Mabait, matara’y at antipatiko
At Pag pinagsama-sama mo rayot sa gulo

Kaibigan? Marami ako niyan
Pero ang TOTOO ay iilan
Sa panahon ngayon marami ng di na mapapagkatiwalaan
Kaya sa patitiwala ako’y pihikan

Isang araw nakita ko siya
Parang slow mo, akoy natulala
Mabait, moreno at palatawa
Kaya sa kanya ako’y humanga

Sabi nila Puppy love ang aking naranasan
Isang pag hanggang hindi pangmatagalan
Ngunit bakit hanggang ngayon ay  nararamdaman
Hindi nakalimot ilang taon man ang dumaan

Buhay estudyante ay di madali
Maraming pasikot sikot at pagbabakasakali
Maraming hirap ang kailangan pagdaanan
Upang makamtan ang inaasam na kaginhawahan

Ngayong mag tatapos na sa Senior High
Kaming mga estudyante ay High na high
Sa dami ng gawain di na
magkaintindihan
Kapit bisig walang maiiwan

Mag tatapos kami na sabay sabay
Tulong tulong walang maiiwan
Bawat isa’y magsisilbing gabay
Upang makamit ang aming inaasam

Saan man kami dalhin ng kapalaran
Hindi makakalimot sa pinagmulan
Aalalahanin ang lugar na humubog sa kaalaman
Ito aming pangalwang tahanan ,ang aming mahal na “PAARALAN”

10 Tips para makamove-on sa “CRUSH” mo kahit hindi naman naging kayo!

1. Wag pumunta sa mga lugar na madalas niyang puntahan. Para mas madali mo siyang malimutan.
2. Mag pakabusy sa ibang gawain ( parang nag momove-on lng sa Ex mo , pero ang pinag kaiba di lng naging kayo).
3. Burahin lahat ng litrato nya sa phone mo.
4. Isipin lahat ng masasamang bagay tungkol sa kanya. Yung tipon nakakaturn off talaga.
5. Incase na mag kita kayo ulit, wag mo siyang titingnan sa mata. Para di ka na mafall ng paulit-ulit.
6. Wag mo ng babanggitin ang pangalan niya, magset ng penalty sa oras na nabanggit mo ang pangalan niya, halimbawa 20 pesos.
7. Sa oras na kausapin ka niya wag mo siyang papansinin at umarteng hindi mo siya kilala.
8. Humanap ka ng iba. Pero yung may pag asa Ka, para sa huli ay hindi ka nga nga.
9. Try mong tuminggin sa paligid mo, para makita mo na may ibang pang taong handang magmahal sayo .
10. Panghuli.  Ang crush o pag hangga ay isang emosyon o damdamin na nararamdaman natin sa isang tao. Ito ay nag sisilbing inspirasyon at hindi distraksyon, kaya wag nating hayaang makaapekto sa pag aaral natin ang Love. Dhil may tamang oras at panahon  para sa pagibig.

Umasa at Nasaktan

Mahal, paano ko sasabihing mahal kita
Kung sa bawat subok ko ay may kasama kang iba
Siya na laging nag papangiti sayo
Subalit heto ako naghihintay sa pagsulyap mo

Bakit ang hirap sabihin ng nararamdam
Paano? saan? kelan? Ewan?
Ako’y naguguluhan
Mahal kita sanay iyong malaman

Minsan nakita kita, lumapit ka sakin
Nang ika’y tumigin para akong dinuduyan sa hangin
Habang nag hahanda upang sabihin ang mga kataga
Ang siyam na letra ang mga katagang “Mahal kita”

Nang Ika’y nag simulang  humakbang
Ang puso’y tila nahihibang
Natigilan at nag aabang
Nang susunod mong hakbang

Ika’y lumakad tuloy tuloy hanggang ako’y lagpasan
Ako’y natauhan sa aking kahibangan
Na pag tanto ang ginawang katangahan
Eto na naman ako UMASA at NASAKTAN

Design a site like this with WordPress.com
Get started